Monday, August 26, 2013

Wika, atin kayang gamitin?

Every day of our lives, do we find time to give importance to our own LANGUAGE? Are we even aware that our language is degrading because of our own doings? We are making our own nation degrade! As the theme says, “Wika natin ang daang matuwid” and I seem to understand now why they say so…

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na an gating wika ay isa sa mga sandata natin para tayo ay makabangon at mapaganda an gating bansa. Sa buwan ng Agosto ang Buwan ng Wika ng buong Pilipinas. Ito ang itinakdang oras upang tayo ay ang magkaisa at mapabuti ang ating wika.

Sa buwang ito, napapalago ang ating wika at kasabay nito ang pagiging mahusay natin sa iba’t ibang sangay ng ating sarili. Ang mga estudyante ngayon sa Ilocos Sur National High School ay nagtatagisan ng galing at ibabahagi na rin sa masa ang kanilang angking talino at galing. Mayroong mga iba’t ibang kompetisyon na maaaring salihan para mahasa ang sariling kakayahan.

Sumali ang Marconi at Maxwell sa Sabayang Pagbigkas ngunit nasawi. Kahit man ganito ang mga nangyari, alam naming sa sarili namin na mas magaling rin kami kaysa sa mga nanalo. Sumali rin ako sa indibidwal na paligsan ng Dagliang talumpati para maranasan ko naman ito. Sanay na kasi ako sa Ingles at gusto naman na ipakita na kahit papano ay mahal ko pa rin ang aking sariling wika at kaya ko pa rin itong gamitin. Kahit man nasawi, alam kong ginawa ko ang aking makakaya.



Then again, I must learn that this month is all about accepting what was really meant to be and for us to treasure it. In the near future, I will show the world that I am proud to be a Filipino and I am not ashamed to use my own language.

0 comments:

Post a Comment

 
;